Nitong umaga lang, Pagka lambing-lambing Ng iyong mga matang Hayup kung tumingin.
Nitong umaga lang, Pagka galing-galing Ng iyong sumpang walang aawat sa atin.
Chorus:
O kay bilis namang Maglaho ng Pag-ibig mo sinta, Daig mo pa ang isang kisapmata. Kanina’y narlang o ba’t Bigla namang nawala. Daig mo pa ang isang kisapmata.
Kani-kanina lang, Pagka ganda-ganda Ng pagkasabi mong Sana’y tayo na nga.
Kani-kanina lang, Pagka saya-saya Ng buhay kong Bigla na lamang nagiba.