Di ko maikakaila ang pag-aalala Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala Nangangamba, nangangamba Na baka mapahamak ka
Dapat sarilinin ko na lang Kayrami-rami mong pasan-pasan Baka lalo ka pang mabibigatan
Itatago ko ang aking kaba At ikukubli ang pangangamba Ngunit sa dilim Ay napapansin mo ang takot ko
Ang dinadaing ko'y para sa iyo Ang unti-unting matutunan ko Paano mahalin Paano mahalin ang katulad mo
Di ko maikakaila ang pag-aalala Ngunit di ba mas mahalaga Ang dinggin ka, intindihin ka Samahan ka sa bawat pasya
Paano ba ako makakagaang Paano ba ako makakatuwang Paano kung ako ay nasasaktan
Itatago ko ang aking kaba At ikukubli ang pangangamba Ngunit sa dilim Ay napapansin mo ang takot ko
Ang dinadaing ko'y para sa iyo Paano ba ako makakagaang Ang unti-unting matutunan ko Paano ba ako makakatuwang Paano mahalin Paano mahalin ang katulad mo